Bilin ng aktor, 'di masusunod… KINUMPIRMA NG PAMILYA: ABO NI EDDIE, 'DI ISASABOY SA MANILA B


STAR-STUDDED ang unang gabi ng burol ng veteran actor-director na si Manoy Eddie Garcia noong Biyernes sa Heritage Park sa Taguig.
Naglalakihan ang mga flower arrangements na padala ng mga showbiz celebrities at iba pang kaibigan ng pamilya ng aktor tulad nina Sen. Bong Revilla, Jr., Sharon Cuneta, Kiko Pangilinan, Ms. Nora Aunor, GMA Network, mula sa cast ng Ang Probinsyano, Ogie Alcasid and Regine Velasquez, atbp..
Dumating ang Queen of Philippine Movies na si Ms. Susan Roces na nakasama ni Eddie Garcia sa Ang Probinsyano. Pumunta rin sina Jinggoy at Jackie Estrada/Ejercito.
Naroroon din sina Tirso Cruz III and wife Lyn, Lorna Tolentino, Chanda Romero, Caridad Sanchez, Angelu de Leon, Harlene Bautista, Michael de Mesa, Azenith Briones, Nova Villa, Daria Ramirez, John Prats, Gardo Versoza, Direk Joel Lamangan, Ricky Davao, Tony Mabesa, atbp..
Pagkatapos ng misa ay may konting programa kung saan nag-share ng kanilang mga Eddie Garcia memories sina Sunshine Dizon, Ricky Davao, Susan Roces, Direk Joel Lamangan, Sen. Tito Sotto at Rez Cortez.
Nagsalita rin si GMA-7 Chairman and CEO Atty. Felipe L. Gozon. Nandu’n din ang lahat ng top executives ng GMA-7 na tumulong sa pag-eestima ng mga nakiramay sa burol.
All-praises at punumpuno ng respect ang pagbibigay-pugay ng mga kasamahan sa showbiz ni Manoy Eddie.
Paglilinaw pala ng pamilya, hindi isasaboy sa Manila Bay ang ashes ni Manoy Eddie tulad ng naunang nabalita dahil na rin sa naging pahayag ng aktor nu’ng nabubuhay pa siya. Iuuwi raw ito sa kanilang bahay sa Alabang habang inaayos pa ang binibiling lote kung saan ilalagak ang kanyang urn.





Comments