2ND LEG TRIPLE CROWN HOPEFUL STAKES RACES

TARGET ngayon ng 1st Leg champion na Real Gold ang ikalawang pagkakataon na maghari sa 2nd Leg Triple Crown Stakes Race sa Saddle and Clubs Leisure Park, Naic, Cavite.
Hawak ngayon ni Real Gold ang tiyempo na 1:40 sa 1,600 meters na siguradong papaboran ng mga miron sa pitong mananakbo. Makahaharap ni Real Gold ang Boss Emong, Best Regards, Shanghai Noon, Phenomenal, Toy For The Bigboy at Jayz. Mahigpit na makakalaban ang Boss Emong, Shanghai Noon at Jayz sa 1,800 meters na distansiya.
Tatanggap ng P1.8-M ang tatanghaling kampeon, samantala tatanggap ng P675,000 ang 2nd place, habang P375,000 ang 3rd place at P150,000 ang 4th place.
Tatanggap din ng P100,000 ang horse breeder ng mananalong kabayo. Unang masasaksihan ang 2019 Philracom Hopeful Stakes Race at magkakaharap ang mga mananakbong Suberbia, couple entry na JLO at Mood Swing, Harapin ang Bukas, Two Timer, My Jopay, Serafina, The Accountant, Skyscraper at Viscerion.
Pinapaboran ang Couple entry na JLO at Mood Swing, habang magsisilbing kalaban ang Serafina, My Jopay, Two Timer at Harapin ang Bukas. Mag-uuwi ng P600,000 ang mananalo habang tatanggap ng P225,000 ang 2nd place, P125,000 sa 3rd place at P50,000 sa 4th place.
Samantala, buwenamanong handog ang 2019 Philracom 3Year Old Locally Bred Stakes Race at panimula ng 1St Winner Take All (WTA).
Maglalaban ang 11 kalahok sa 3 Year Old Locally Bred at pangungunahan ng Always Ready, Kentucky Rain, My Sheltex, Weather Lang, Silab, Iikot Lang, Brandy Drinker, Humidor, Electrify, Mount Dulang Dulang at Gepnits.
Samantala, magkakalaban ang 7 kalahok sa Philracom Charity Race sa 5th Philippine Press Photographer (PPP) Cup. Tip ni Mang Ding: Race 1 Silab (5) My Sheltex (3) Iikot Lang (6) Race 2- Entry No.5 Sweet Dreams (3) Hidden Eagle (1) Race 3- entry No.2 My Jopay (5) Harapin ang Bukas (3) Race 4- Pilya (7) Marker’s Mark (11) Juliana’s Gold (12) Race 5- Real Gold (7) Shanghai Noon (3) Boss Emong (1) Race 6 Entry No.2 Ahala (6) Sharp Return (3) Race 7- Born In April (6) Foolish Heart (1) Race 8-Fantastic Max (9) La Corona (7) Race 9- Ava’s Tale (6) Entry No.4 Don Mariano (8) Race 10- Just Joe King (3) Don Alberto (6) Race 11- Facing Dixie (1) Arimunding Munding (6) Race 12-Cassie Dear (10) Nabighani (3)





Comments