Tulak timbog sa buy-bust
Pabs Hernandez III
Jun 22, 2019
1 min read
ISABELA—Isang drug pusher ang naaresto sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya, kamakalawa sa Bgy. Minuri, Jones sa lalawigang ito.
Kinilala ang suspek na si Francis Apolinario, nakatira sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, nakakumpiska ang pulisya ng tatlong sachets ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Hindi naman nanlaban si Apolinario nang arestuhin siya ng mga awtoridad sa nasabing barangay.





Comments