top of page
Pokwang.jpg

Pulis niratrat ng riding-in-tandem, utas

V. Reyes
Jun 22, 2019
1 min read

BULAGTA ang isang miyembro ng Philippine National Police Intelligence Group makaraang pagbabarilin sa Boni Serrano Ave., Bgy. Bagong Lipunan, Quezon City, kahapon ng gabi.

Ayon kay Cubao Police Station Chief Lt. Col. Giovani Caliao, kinilala ang biktima na si Police Staff Sergeant Fernando Diamzon.

Ayon sa kasamahan ng biktima na si Police Senior Master Sgt. Ernesto Buenviaje, katatapos lang ng kanilang duty at pauwi na ng Maynila, alas-8:50 ng umaga nang dikitan ang kanilang motor ng magkaangkas na mga suspek.

Anim hanggang pitong beses umanong pinaputukan ng mga suspek si Diamzon na nagresulta sa agaran nitong pagkamatay.

Inaalam na ng pulisya ang motibo ng pamamasalang bagama’t, posible umanong may kinalaman ito sa trabaho at sinundan ang biktima pagkalabas nito ng Kampo Krame.

Sinusuri na ang mga kuha ng CCTV sa lugar upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga salarin.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page