top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Pamilya Duterte, wala pang ‘manok’ sa pagka-House Speaker

Mylene Alfonso
Jun 22, 2019
1 min read

PUMALAG si Con­gressman Alan Peter Caye­tano kaugnay sa umano’y bulok na estilo ng panga­ngampanya ni Rep. Allan Lord Velasco sa pagka-House Speaker.

Nabatid na una umanong pinalabas ni Velasco na siya ang ‘sponsor’ sa pa-dinner ni incoming Cong. Paolo ‘Pulong’ Duterte sa Mala­cañang kasama si Pangulong Rodrigo Duterte, na hindi sinasabing totoo.

Pangalawa, ang ‘text blast’ na galing sa opisina ni Velasco na nag-aanyaya para sa oath-taking sa Malaca­ñang na pumumunuan ng pa­ngulo pero, noong i-double check ay ‘event’ umano ni Senator-elect Christopher ‘Bong’ Go sa lahat ng tu­mulong, kabilang ang mga mayor, councilor at iba pa para sa mass oath-taking.

Ani Cayetano, dapat patas ang laban at huwag manloko upang masungkit ang boto ng mga kapwa con­gressman at huwag palita­win na may ‘solid support’ siya sa pagka-Speaker.

Sumang-ayon naman dito ang mga mambabatas at nagsabing dapat dumiskarte nang maayos at hindi ibini­bida na manok ng Pamilya Du­terte.

Una rito, sinabi ng pa­ngulo na mas gusto pa niya na maging ‘free zone’ ang la­banan sa House Speaker.

Ang mga nag-ambisyon sa pagka-House Speaker na sina Cayetano, Velasco, Mar­tin Romualdez at dating House Speaker Pantaleon Alvarez ay mga kaibigan ng pa­ngulo.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page