top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

MOTOLITE GAGANTI SA ARMY SA PVL 2ND ROUND

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 22, 2019
1 min read

NAGHAHANGAD na makapasok ng susunod na round, tatangkaing bawian ng Motolite ang Pacific Town Army sa muli nilang pagtutuos ngayong hapon sa pagpapatuloy ng second round ng PVL Season 3 Reinforced Conference sa FilOil Flying V Center sa San Juan.

Nasa ika-4 na puwesto ngayon ang Motolite kasalo ng Banko Perlas taglay ang 2-5, panalo-talong kartada.

Nasa unahan nila ang Lady Troopers na nasa ikatlong puwesto hawak ang barahang 4-3.

Inaasahang magiging mahigpit ang muling tapatan ng dalawang koponan lalo na’t nangangailangan pa ng dalawang panalo ang Lady Troopers upang ganap na umusad kasama ng mga nauna ng semifinalists PetroGazz (7-0) at Creamline (6-1).

Tatangkain ng Motolite na makaganti sa natamong 1-3 (sets) na kabiguang nalasap sa kamay ng Lady Troopers noong unang round. (VA)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page