top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Manila Zoo, iko-convert sa Botanical at Zoological Garden

Mylene Alfonso
Jun 22, 2019
1 min read

TINULDUKAN na ang usapin na tatanggalin sa Maynila ang Manila Zoo para gawing mall o casino.

Ayon kay Manila Mayor-elect Francisco ‘Isko’ Moreno Domagoso, iko-convert niya ito bilang Botanical and Zoological Garden.

Magkakaroon umano ng mga karagdagang halaman, bulaklak na rare exotic at iba pang imported plants upang magamit sa pag-aaral.

Ipinaliwanag ni Moreno na magiging karagdagang ‘city lung’ o hingahan ng lungsod ang Manila Zoo dahil pupunuin ito ng maraming halaman, karagdagang puno at magbibigay-presko sa mainit na klima.

Matatandaang, sa ilalim ng panunungkulan ni Manila outgoing Mayor Joseph Estrada ay balak isapribado ang Manila Zoo.

Gayunman, hindi pinagtibay ng Manila City Council ang ordinansa kaugnay nito kaya hindi natuloy ang pagsasapribado nito.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page