top of page
Pokwang.jpg

Ex-DFA Sec. Del Rosario, hinarang sa HK airport

June Simon
Jun 22, 2019
1 min read

PINIGIL sa Chek Lap Kok Airport sa Hong Kong si dating Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario.

Umalis ng Pilipinas nitong Biyernes ng umaga ang dating kalihim para dumalo sa First Pacific Shareholders meeting sa dating British Crown Colony.

Ayon sa paliwanag ni Consul General Antonio Morales, kinuwestiyon si Del Rosario ng immigration ng HK makaraang dumating ito doon.

Matatandaang, ganito rin ang nangyari kay dating Ombudsman Conchita Carpio Morales noong Mayo na hinarang din sa Chek Lap Kok dahil sa umano’y pagiging security threat pero, kalaunan pinayagan din si Morales na makapasok sa Hong Kong pero, nagpasya ito at kanyang pamilya na bumalik na lamang sa Pilipinas.

Sina Morales at Del Rosario ay naghain ng reklamo sa International Criminal Court laban kay Chinese President Xi Jinping kaugnay sa mga aktibidad ng China sa West Philippine Sea kabilang na ang pagtatayo ng artipisyal na isla at pambu-bully sa mga Pilipinong mangingisda.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page