top of page
Pokwang.jpg

Dahil sa matinding init | 153 ESTUDYANTE ISINUGOD SA OSPITAL

Jeff Tumbado
Jun 22, 2019
1 min read

NASA 90 mag-aaral ng Bauan Technical High School sa Bauan City, Batangas ang dinala sa ospital dahil umano sa pagkahimatay dulot ng matinding init, kahapon ng umaga.

Ayon kay Police Col. Joemar Labiano, nakaranas ng pagkahilo at hirap sa paghinga bago nahimatay ang mga ito. Dinala sa Bauan Doctors General Hospital at Bauan Public Hospital ang mga estudyante.

Bago ang insidente nitong Biyernes, nasa 63 estudyante mula sa naturang paaralan ang hinimatay din habang nasa kalagitnaan ng earthquake drill noong Huwebes dahil din sa tindi ng init ng panahon ganap na alas-2:00 ng hapon.

Sinasabing nasa 34 degrees Celsius ang init noong Huwebes at 32 degrees Celsius naman kahapon ng umaga.

Patuloy pang inaalam ng mga awtoridad ang sinasabing “heat wave” na naganap sa magkasunod na dalawang araw na siyang sinasabing dahilan ng insidente sa pag-collapsed ng mga mag-aaral o kung may iba pang dahilan nito.

Nakauwi na ang mga biktima na nakilahok sa drill at nasa normal ng kondisyon.

Ang ilan naman sa mga kabataan na nahimatay nitong Biyernes na nasa maayos na ring sitwasyon ay agad na pinauwi ng mga doktor.

Habang tatlo sa mahigit 100 mag-aaral ang sinasabing nananatili pa sa ospital at kasalukuyang inoobserbahan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page