top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

9 kulong | 2 DRUG DEN SA MALACAÑANG, BUKING

  • Mylene Alfonso
  • Jun 22, 2019
  • 2 min read

SIYAM katao ang dinakip ng mga ahente ng National Bureau of Investigation-Task Force Against Illegal Drugs (NBI-TFAID) sa serye ng anti-illegal drugs operations sa Malacañang Complex, Paco, Manila, kahapon.

Iniharap sa media ang mga suspek na sina Rolando C. Laya, Bryan Jason Batrina Y Casas alyas Ian, Melvin Santiago Y Camba, Freddie Nacion, Jr., Esperanza Pido, Joan Garcia, Ronnie Gonzales Lao, Sulpicio Reyes Cassiler, Jr. at Leonardo dela Cruz Asa.

Ayon kay NBI Assistant Director for Intelligence Service Eric Distor, sa bisa ng search warrants ay sinalakay nila ang bahay nina Nacion, Pido at Garcia sa Bgy. 662, Paco, na nakuhanan ng 6 sachets ng shabu at drug paraphernalias noong Lunes, Hunyo 17.

Nang isailalim sa drug test ang mga nadakip ay nagpositibo ang tatlo.

Kasabay nito, ibang grupo ng NBI-TFAID naman ang nagtungo sa bahay ni Lao sa Bgy. 831, Paco, kung saan naaktuhan naman sa ground floor ng stock room sa isang pot session ang mga suspek na sina Lao, Cassiler at Asa, kung saan nasamsam naman ang 8 sachets ng shabu, isang sachet ng marijuana, baril na may magazine at kargado ng mga bala.

Nag-ugat ang pag-aresto sa mga suspek nang magbigay ng impormasyon ang Presidential Security Group (PSG) hinggil sa pagtutulak umano ng iligal na droga nina Laya at Batrina sa Malacañang Complex.

Ikinasa ang buy-bust operation noong Hunyo 6 at nagawang makatransaksiyon si Laya at naideliber ito kinabukasan sa loob ng Malacañang compound kung saan inaresto sina Laya, Batrina at Santiago.

Positibo rin sila sa paggamit ng droga batay sa drug test results. Nakakuha rin ng impormasyon sa PSG ang NBI na may iba pang drug den sa loob ng Malacañang Complex dahilan para isunod namang salakayin at madakip ang iba pang suspek.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page