5-anyos nahulog sa septic tank, patay


DEDO ang limang taong gulang makaraang mahulog sa ginagawang septic tank sa Cotabato.
Sa ulat ng Bombo Radyo, kinilala ang biktima na si Stephen Dave Cabanero, residente ng Bgy. Buayan M‘lang, Cotabato.
Ayon sa ulat ng pulisya, pupunta sana ang biktima sa bahay ng kanyang tiyahin malapit lamang sa tinitirhan nito.
Hanggang sa makita ng bata ang butas na may tubig at hinugasan nito ang kanyang paa at aksidente itong nahulog.
Nadala pa sa ospital ang biktima subalit, binawian din ito ng buhay. (BRT)





Comments