3RD WIN ASINTA NG CARGO MOVERS SA PSL


IMUS CITY - Ikatlong diretsong panalo ang asinta ng F2 Logistics Cargo Movers sa pakikipagbakbakan sa Foton Tornadoes sa Philippine Superliga All-Filipino Conference ngayon sa Imus Sports Center dito.
Sisikapin ng Cargo Movers na palawigin pa ang winning run sa 4 p.m. battle vs. Tornadoes sa prestihiyosong women’s’ club tourney.
Samantala, pakay makaresbak ng PLDT Home Fibr at Sta. Lucia mula sa nakaraan nilang pagkatalo sa paghaharap nila ng 2 p.m. appetizer na isinasaere ng ESPN5 at Kapatid TV5.
Aasahang lilider si Kalei Mau sa Cargo Movers. Sa una niyang laro mula nang lumipat nang ma-disbanded ang United VC, nakagawa ang dating Arizona standout ng 17 puntos para sa F2 Logistics tungo sa impresibong 25-15, 27-25, 25-22 victory kontra PLDT.
Ayon kay F2 Logistics coach Ramil de Jesus, natutuwa siya sa kanyang nakikita lalo na’t sakto ang tambalan kina dating La Salle stars Aby Marano, Dawn Macandili, Ara Galang, Kianna Dy at Majoy Baron. “Not bad for a first timer,” ayon kay de Jesus, na gumabay sa Lady Spikers para sa 11 kampeonato sa University Athletic Association of the Philippines. “She’s still making some adjustments in training. The good thing is that she’s very open to suggestions and she’s willing to adjust.”
Sa kabilang banda, determinado ang Foton na makarekober mula sa 25-22, 24-26, 19-25, 16-25 na pagka-olats sa Generika-Ayala noong Huwebes ng gabi.
Nahirapan ang Tornadoes dahil sa lumakas ang troika nina Angeli Araneta, Fiola Ceballos at Patty Orendain para sa Lifesavers sa second straight win sa tatlong laro.
Nagpakawala ng 21 puntos si Araneta at bigyan ang Foton ng unang talo sa dalawang laro. Inaasahan niya ngayon sina Dindin Santiago-Manabat at Jaja Santiago, na umiskor ng 19 at 14 points na makaresbak. “Foton is a tall team. It won’t be an easy match for us,” ani De Jesus. “But the good thing is they already played two matches. We can scout Foton’s movement.” (MC)
Laro Ngayon:(Imus Sports Center)
2:00 p.m. – Sta. Lucia vs PLDT
4:00 p.m. – F2 Logistics vs Foton





Comments