16 toneladang cocaine, nasabat
NASABAT ng mga awtoridad sa US ang mahigit $1 bilyong halaga ng cocaine sakay ng barko sa Philadelphia Port.
Ayon sa US Attorney’s Office sa Philadelphia, maituturing itong isa sa largest drug bust sa American history.
Sa pagtaya, aabot sa 15,000-kilo ng cocaine o 16 tonelada ang nakumpiska sa malaking barko sa Packer Marine Terminal.
Dinakip na ang mga crew ng naturang barko at sasampahan ng kaso.
Noong Marso, may nakumpiska ring 538-kilo ng cocaine sa Philadelphia na tinatayang nagkakahalagang $38 million.





Comments