16-anyos, tiklo sa pagbebenta ng baril

NATIMBOG ang 16-anyos na babaeng estudyante makaraang magbenta ng baril sa isang junkshop sa Magsaysay, Occidental Mindoro.
Ayon kay Police Lt. Col. Socrates Faltado, dinakip ang menor-de-edad sa Bgy. Poblacion, pasado alas-5:30 ng hapon ng Huwebes.
Batay sa report, nagsumbong mismo sa mga awtoridad ang ilang kawani sa junkshop at sinabing may nagbebenta ng baril sa kanila pero, hindi nila ito tinanggap.
Agad hinanap ang suspek at nakita ito na pagala-gala sa bisinidad ng plaza sa bayan.
Nang suriin ang backpack ng estudyante, rito nakita ang isang kalibre .45 na baril na walang lisensiya.
Inaalam pa kung saan nakuha ng estudyante ang armas na tinangka nitong ibenta.





Comments