top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

‘Ika nga, susuka, pero hindi susuko... BABAENG PINAPAYUHANG MAGING MATATAG SA MGA PAGSUBOK NA MAAARI

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 22, 2019
2 min read

KATANUNGAN

  1. Sa ngayon ay nag-aaral ako ng kursong Nursing, makapagtatapos ba ako ng pag-aaral at makapapasa sa Nursing Board Exam kahit ngayon ay hirap na ang pamilya ko sa pagpapaaral sa akin dahil malaki ang gastos sa bahay at may iba pa akong mga kapatid na nag-aaral kung saan nagkasabay-sabay kami ngayon sa college ng mga kapatid ko?

  2. May isa pa akong concern, ito ay tungkol sa love life. May boyfriend ako ngayon, Maestro, tatlong taon na ang relasyon namin. Naisipan kong sumangguni sa inyo upang itanong kung siya na ba ang makatutuluyan ko?

KASAGUTAN

  1. Iisa lang ang namataang malinaw at makapal na Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Tanda na walang duda, kung tatlong taon na kayong nagmamahalan ng boyfriend mo at nagkataong isinilang siya sa buwan ng Hunyo at ikaw naman ay isinilang sa buwan ng Disyembre, tiyak ang magaganap, kayo na nga ang magkakatuluyan.

  2. Habang, ang tuwid at maganda ring Fate Line na tinatawag din nating Career Line (Drawing A. at B. F-F arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad ang nagsasabing, siguradong makatatapos ka ng pag-aaral sapagkat ang nasabing Fate Line na tuwid at maganda (arrow b.) ay madali namang nakarating sa Bundok ng Tagumpay (arrow c.).

  3. Tanda na sa kursong Nursing tulad ng iyong inaasahan, magtatagumpay ka at magkakaroon ng maunlad na propesyon, balang-araw.

Ang pag-aanalisang makapapasa ka rin sa Nursing Board Exam ay madali namang kinumpirma ng Effort Line (Drawing A. at B. E-E arrow d.) na nakatuntong sa Bundok ng Katuparan (arrow e.) sa kaliwa at kanan mong palad.

Tanda na isang kuha lang ng nasabing pagsusulit basta walang magiging problema sa aspetong pampinansiyal, tiyak na maluwalhati kang makapapasa.

DAPAT GAWIN Ms. Sagittarius, ayon sa iyong mga datos, nakatakda na ang magaganap, siguradong makaga-graduate ka ng Nursing kahit pa medyo taghirap ang buhay ninyo sa kasalukuyan at nakatakda ka ring makapasa sa Nursing Board Exam sa taong 2022, sa edad mong 22 pataas habang paglipas ng ilan pang mga taon, ang kasalukuyan mo ng boyfriend ang nakatakda mo ng makatuluyan at ang pag-aasawang magaganap ay inaasahang itatala sa taong 2024, sa edad mong 24 pataas.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page