top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

'Unity vote' ng partylist coalition sa Kamara, naudlot

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 21, 2019
2 min read

NAPURNADA ang “unity vote” ng partylist coalition sa Kamara.

As usual, kani-kanya ulit sila!

◘◘◘

SEMPLANG ang miting noong Miyerku­les.

Nagkumpirma ito na peke ang ulat na nauwi sa dalawang aspirante ang partylist coalition.

Hanggang ngayon, walang official declaration ang koalisyon!

◘◘◘

NAPAHIYA ang pu­mopormang spokesman ng koalisyon na si Rep. Jericho Nograles.

Sa isang miting sa Kyusi, tumanggi ang mayorya ng partylist coalition na tukuyin agad ang kanilang ‘manok’ sa pagka-Speaker.

He-he-he!

◘◘◘

NILINAW ng mga insider na hindi totoong sina Rep. Martin Ro­mual­dez at Rep. Lord Allan Velasco na lang ang kanilang choices.

Kumbaga, hindi sila naapektuhan ng “regalo at sobre”.

Ha! Ha! Ha!

◘◘◘

MALINAW na hindi magpapadikta kay Rep. Mikee Romero at hindi rin “magbebentot” ang mga miyembro ng 61-member partylist coalition.

‘Yan ang malaking katotohanan!

◘◘◘

SA totoo lang, umaga ng Hulyo 22 pa matutu­koy kung sino ang pipili­ing Speaker ng Kamara.

Maghintay na lang tayo!

◘◘◘

MAUGONG ang ulat na pinayuhan ng mga political analyst si Rep. Velasco na mag-give way na lang sa mga bete­ranong kongresista na may track record sa paggawa ng batas.

Hindi raw on-the-job training ang Spea­ker­ship!

◘◘◘

AYON mismo sa political analyst na si Ranjit Rye, walang sapat na kakayahan kumpara sa ibang mga kandidato si Rep. Velasco.

Mas makabubuti raw na mag-give way na lamang sa mga senior at seasoned politician na taglay ang kuwalipikasyon!

◘◘◘

INAMIN ni Rye na ang isa sa mga dahilan ng paglutang ng pangalan ni Rep. Velasco na maging House Speaker ay bunsod lamang ng pagkakaroon daw ng backer na malaking negosyante.

Payo ni Rye: “We cannot have a Speaker who lacks credibility, lacks experience and is only backed by big businesses. The House of Representatives needs a good Speaker that is not easily manipulated by strong business interest and one who gets the job done”.

Pakinggan kaya siya?

◘◘◘

PUMAPALAG din ang kapwa taga-PDP-Laban na sina dating House Speaker Pantaleon Alvarez at Pampanga Rep. Dong Gonzales.

Ang dalawa ang nag­bun­­yag na may vote-buying sa Kamara at nasa P1M hang­gang P7M ang suhulan.

Tsk-tsk-tsk!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page