Special election sa Philippine Olympic Committee

ISANG araw matapos ang biglaang pagbaba sa puwesto ni Philippine Olympic Committee (POC) President Ricky Vargas, nanawagan si POC Chairman Abraham Tolentino na magsagawa ng special election.
Planong ilahad ang anunsiyo sa general assembly sa June 25.
Sa ilalim ng POC ByLaws Article 7 Section 6, ang special election ay maaaring isagawa sa panawagan ng chairman sa loob ng 30 araw matapos mabakante ang puwesto kung sakaling ang mga susunod na opisyal — 1st at 2nd VP ay hindi kuwalipikadong maluklok sa puwesto.
Sa Article 7 Section 11, nasasaad na ang presidente ng POC ay kailangang may apat na taong experience bilang NSA president ng isang Olympic sport sa araw ng eleksiyon sa pagka-POC president at kailangang halal sila ng incumbent NSA presidents na rumi-represent ng Olympic sport, karagdagan pa nito ay dapat silang aktibong miyembro ng POC General Assembly sa mahigit na dalawang magkakasunod na taon sa araw ng halalan.
Si 1st VP Jose Romasanta ay vice-president of volleyball, samantalang, si 2nd vice-president Antonio Tamayo ay presidente ng soft tennis, na hindi naman Olympic sport.





Comments