top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

PATRIOTS, ‘SUGATAN,’ PERO NAGWAGI PA VS. CLASSIC

Alvin Olivar/MC
Jun 21, 2019
1 min read

NAKAHABOL pa ang Parañaque sa halos 20 puntos na pagkaiwan bago nakamit ang come-from-behind 89-83 win laban sa Valenzuela noong Miyerkules ng gabi sa MPBL Season 3 sa Valenzuela Astrodome.

Isang malakas na panalong laro ang ibinigay ni Jemal Vizcarra makaraang hindi makalaro noong nakaraang season. Sa kanyang comeback game, nakapagtarak ang 6-foot-2 ng UST ng 27 puntos at may limang tres puntos.

Dumagdag si Dwight Saguiguit ng 17 puntos upang matulungan si Vizcarra habang ang iba pang batang turko ng Patriots ay may malaki ring kontribusyon sa depensa nang manaig sa Classic.

“Sa totoo lang, ibang klase talaga ‘yung mga batang teammates ko, kasi ‘yung klase ng depensa na ipinakikita nila, hindi ko kaya ‘yun. Kaya kami nakabalik dahil sa kanila,” dagdag ni Vizcarra.

Napigilan ng Patriots ang Classic sa nalalabing 7 minuto. Nanalasa mula 3rd hanggang 4th quarter, nakahabol ang Parañaque mula sa 66-46 na pagkaiwan nang bumasket ng 29-4 at kumpletuhin ang comeback win ng torneo.

Unang nakapagtala ng upset win ang Bicol kontra paboritong Pampanga squad, 82-70. Nagpakawala si dating pro Ronjay Buenafe ng 20 puntos habang si Alwyn Alday ay may binakas na 15 para sa Volcanoes na nakabawi mula sa pagkatalo sa Basilan. Dumagdag si dating PBA player, Alex Nuyles ng 10 puntos.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page