Para ma-renew ang franchise ng ABS-CBN... VICE, TATAKBONG PANGULO KAPALIT NI P-DIGONG
- BULGAR

- Jun 21, 2019
- 1 min read
Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

SPEAKING of Vice Ganda pa rin, idinaan naman sa biro ng Unkabogable Star ang krisis na kinakaharap ng ABS-CBN Network ngayon. Ito ay kung mari-renew pa ba ang kanilang franchise na matatapos sa darating na March 20, 2020.
Ilang beses na kasing binanggit ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi na niya papayagang mag-renew ng franchise ang isa sa pinakamalaking network sa ating bansa, ang ABS-CBN.
Ayon sa ilang kaibigang nasa poder ng Kapamilya Network, napag-uusapan na ito ng lahat sa loob at pati sa noontime show na It’s Showtime ay nabanggit ang usaping ito habang nagkukuwentuhan ang mga hosts at live ang show.
Natanong ni Vhong Navarro si Vice Ganda kung may balak ba itong tumakbo sa pulitika.
Pabirong sinagot naman ito ng komedyante at sinabing pagkatapos ng termino ni P-Digong ay tatakbo siya. Binanggit pa niya na sa mas mataas na position siya lalaban dahil hindi pa rin sigurado kung mari-renew pa ang franchise ng kanyang network.
Aniya, “Ay, naku, may balak ako, antayin n’yo ako, president agad. Sabi ni Digong sa akin, ‘Pagkatapos ko, ikaw magiging presidente. Ako bahala.’”
“Oo, presidente agad. Siyempre, ‘no?! ‘Di nga tayo alam kung mari-renew, so magpe-presidente agad… Charot lang!” hirit pa ni Vice.
Kasalukuyan pang naka-freeze sa House of Representative ang desisyon kung papayagan ang Kapamilya Network na mag-renew ng franchise na matatapos sa darating na March 20, 2020.





Comments