top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Mamamayan sa iba‘t ibang lugar, nagreklamo dahil sa biglaang pagkawala ng suplay ng tubig

  • Ryan B. Sison
  • Jun 21, 2019
  • 1 min read

SUPLAY ng tubig, ang kasaluku­yang pinoproblema ng ating mga ka­babayan kung saan inireklamo nila ang biglaang pagkawala ng tubig na hindi tama sa inanunsiyo ng mga kina­u­u­kulan.

Sa katunayan, marami sa mga Pi­noy ang kani-kanya ng salok at pila para lamang makakuha ng rasyon ng tubig na kailangan nila sa mara­ming ba­gay tulad ng pagligo, paghuhugas, paglalaba at marami pang iba.

Gayunman, totoong hindi natin ha­wak ang panahon kung kailan tayo kukulangin sa suplay ng tubig, pero ka­ilangan ng maayos na koordinasyon para mas madali natin itong maso­lus­yunan.

Sa ngayon, may ilang senaryo kung saan nagkakamali ng anunsiyo ang mga kinauukulan kung saan apektado ang mga estudyante at empleyadong maaga ang pasok sa eskuwelahan at opisina.

Dagdag pa rito, may ilan ding wala nang masuot na damit dahil hindi ma­ka­paglaba.

Kaya ang hiling natin, kung mawa­walan ng suplay ng tubig ay mas maaga sana itong maianunsiyo, gayundin, ti­yaking tama ang oras at petsa nang sa gayun ay makapaghanda ang mga residente at makapag-ipon.

In short, huwag gawing “surprise” dahil hindi naman ‘yan recitation!

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page