top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Malinaw ayon sa birthday... MISIS NA NAKATAKDANG MANALO SA LOTTO

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 21, 2019
  • 1 min read

Dear Maestro,

Malaki ang problema naming pampinansiyal. Sabay-sabay kasing nag-aaral ang lima naming anak. Kaya ka­hit pareho kaming nagtatrabaho ng mister ko ay talagang kulang na kulang pa rin ang aming kinikita. Sa ngayon ay baon na baon na kami sa pagkakautang. Sana, mabig­yan ninyo kami ng masusuwerteng numero para malusutan namin ang mabigat na problemang dinaranas ng aming pamilya ngayon. August 4, 1974 ang birthday ko at December 13, 1972 naman ang mister ko.

Umaasa,

Mrs. Leo ng Del Carmen, Floridablanca, Pampanga

Dear Mrs. Leo,

Ang birthday mong August 4, 1974 at December 13, 1972 naman si mister ay nagsasabing, mapalad ka sa buwan ng Hulyo hanggang Agosto at sa buwan ng Nobyembre hanggang Disyembre kung saan sigurado na ang magaganap, bago dumating ang iyong kaarawan o ang kaarawan ni mister – malaking halaga mula sa number games ang bigla ninyong maibubulsa.

Bukod sa sarili mong numerong 4 at sa numerong 13 ni mister, mapalad din kayong mag-asawa sa numerong may sumatutal na 1 tulad ng 1, 10, 19, 28, 37 at iba pang kauri nito, gayundin sa numerong may sumatutal na 7, tulad ng 7, 16, 25, 34, 43 at iba pang kauri nito. Kaya ang pinaka­ma­gandang pagtaya ay pagsamahin mo ang kumbinasyon ng mga nu­merong may sumatutal na 1, 4 at 7 upang masapol ninyo ang jackpot. Para masigurado ninyo ang malaking panalo, maghanap kayo ng lotto outlet na nasisinagan ang bintana at pintuan ng sikat ng araw sa umaga. Ang lotto outlet na nabanggit ang magpapatama sa inyong mag-asawa ng malaking halaga ngayong 2019 hanggang sa 2020, sa edad mong 45 pataas at 47 naman si mister.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page