top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

HOROSCOPE | Hunyo 21, 2019 (Biyernes)

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 21, 2019
2 min read

SA MAY KAARAWAN NGAYONG HUNYO 21, 2019 (Biyernes): Hindi lang isa ang suwerte mo dahil ang totoo, napaka­raming suwerte ang na­ka­laan para sa iyo. Hu­wag na huwag mong ka­liligtaan na magpasala­mat sa nasa itaas.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Sasaya ka ka­hit pa naki­kitang niya­yakap mo ang lungkot. Wala kang sapat na batayan para malungkot nang matagal ng dahil lang sa iyong kabiguan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-19-20-24-39-45.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Hinaha­bol ka ng mga suwerteng inatasan ng langit na du­mapo sa iyo. Ang payo ay nagsasabing, magda­han-dahan ka sa mga ak­tibi­dad na walang ma­hala­gang kauuwian. Ma­su­werteng kulay-red. Tips sa lotto-11-12-16-29-31-32.

GEMINI (May 21- June 20) - Doble-doble ang suwerte mo, magugulat ka dahil akala mo kapag sinu­werte ka ay wala ng ka­sunod na iba pang mga suwerte. Ito ang mensa­he para sa iyo sa araw na ito. Masuwerteng ku­lay-brown. Tips sa lotto-19-20-25-27-35-41.

CANCER (June 21- July 22) - Kalimu­tan mo muna ang mga prob­lema. Ang araw na ito ay para sa pagpapasaya sa sarili. Magugulat ka dahil kapag masaya ka, ang mga problema mo ay ku­sang nalulutas. Masu­wer­­teng kulay-white. Tips sa lotto-8-18-24-28-35-37.

LEO (July 23-Aug. 22) - Iyung-iyo ang araw na ito. Naka­gu­gulat ang mga magaganap dahil ang mga kontrabida sa buhay mo ay mahima­lang ma­ma­lasin at papangit ang kapalaran. Ito ang mensa­he para sa iyo. Ma­su­wer­teng kulay-green. Tips sa lotto-5-19-21-25-34-36.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Dumikit ka sa masayahin at ikaw ay bubu­wenasin. Tanungin mo ang iyong sarili mo, bakit ka didikit sa mga taong ma­lungkot? Ikaw na mis­mo ang magsasabi na mali pala ang ganu’n. Masu­wer­teng kulay-yellow. Tips sa lot­to-18-22-23-39-40-45.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Makikitang nagsasawa ka sa masarap na buhay na iyong tinatama­sa ngayon. Nagbababala ang biglaang pagbabago ng prayoridad na ang gu­gustuhin mo ay sim­pleng buhay lang. Masu­werteng kulay-purple. Tips sa lot­to-10-24-27-31-33-44.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kahit sob­rang abala ng tao, hindi niya dapat makalimutan ang sarili niya. Isingit mo ang personal mong ganda at huwag mo ring pabayaan ang iyong kalusugan. Ma­suwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-6-19-20-24-30-32.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag kang maki­pag­sapalaran sa hin­­di bagay sa iyo. Kahit ma­­kuha mo ito, walang ma­gan­dang mangyayari sa iyo kung saan puro prob­le­ma lang ang hatid nito sa bu­hay mo. Masuwerteng ku­lay-beige. Tips sa lotto-1-18-21-24-33-38.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Aalayan ka ng langit at ang mga im­po­sibleng bagay ay iyong kakayanin. Ang totoo, pa­lagi kang inaalala­yan ng nasa itaas kahit minsan ay nag-aalinla­ngan ka. Ma­suwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-12-14-29-30-39-42.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kakam­bal mo nga­yon ang mga suwerte. Mapapahiya ang mga nag-aakalang ma­ma­lasin ka at mabibigo sa mga gusto mong mang­yari. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masu­wer­teng kulay-black. Tips sa lotto-15-17-26-27-30-31.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kung ikaw lang mag-isa, hin­di mo kaya ang gustung-gusto mong ga­win. Pero, may mga kaibi­gan ka na handa kang ala­layan kahit hindi mo sila binibigyang-halaga. Masu­werteng kulay-violet. Tips sa lotto-13-15-22-28-35-41.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page