top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

BIR official dinukot

Jeff Tumbado
Jun 21, 2019
1 min read

DINUKOT umano ng mga miyembro ng Kidnap- for-Ransom Syndicate ang isang opisyal ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa Quezon City, kahapon ng umaga.

Sa inisyal na impormasyong natanggap ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng Quezon City Police District (QCPD), alas-9:30 ng umaga nang dukutin ang biktimang si Emilia Combes, BIR Regional District Officer ng Las Piñas, residente ng Diliman, QC.

Agad namang inatasan ni QCPD Director Brigadier Gen. Joselito Esquivel, Jr. ang kanyang mga opisyal at tauhan na imbestigahan ang napaulat na pagdukot.

Habang isinusulat ito, wala pang detalye ang mga awtoridad kung paano, saan at anong motibo sa nangyaring kidnapping sa BIR official dahil ayaw pa umanong makipagtulungan ang pamilya ng biktima.

Gayunman, nagsasagawa na ng imbestigasyon ang pulisya at aalamin din kung nakunan sa CCTV ang pagdukot sa opisyal na naganap umano sa Timog Ave. corner Scout Tuazon sa nasabing lungsod.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page