Alamin mula kay Señor... KAALAMAN TUNGKOL SA KASAYSAYAN NI JOSEPH, “THE DREAMER”
- BULGAR

- Jun 21, 2019
- 2 min read
Bigyang-daan natin ngayon ang pagpapatuloy sa kasagutan sa email ni Robert ng Robert_Robert @facebook.com
Sa iyo Robert,
Tulad ng nasabi na, ngayong June 21, magaganap ang tinatawag na “the summer solstice” kung kailan ang Haring Araw ay nasa kanyang pinakamataas na kalagayan. Pagkatapos ay pababa na nang pababa ang araw, gayunman, mataas pa rin ang kanyang kalagayan hanggang sa dumating ang “the winter solstice” sa buwan ng Disyembre kung saan ang Haring Araw ay nasa kanyang pinakamababang kalagayan.
Isang kaganapan ito sa kalangitan, pero sa buhay ng tao, ito ay pangkaraniwang pangyayari na tulad ng nasabi na natin, ang taong umabot sa pinakamataas na tugatog ng tagumpay ay tulad ng nasa summer solstice na siya ay pababa nang pababa.
Sa iba, malungkot ito dahil mahirap tanggapin ang katotohanang nasa itaas ka tapos ay mapupunta ka sa ibaba. Ano ang magandang gawin kapag mapansin ng tao na nagsisimula na ang kanyang pagbaba?
Ang dapat gawin ay ang kumuha ng kaalaman o karunungan sa kasaysayan ni “Joseph, the dreamer” na nasusulat sa Bibliya. Ayon sa kanya, darating ang panahon ng taghirap sa buong kaharian, kaya pinayuhan niya ang hari na mag-imbak ng mga pagkain nang sa gayun ay hindi sila makaranas ng kagutuman kapag dumating na ang hindi kayang mapigilang panahon ng taghirap.
Sa nasabing matandang kuwento, makikita nating, ang mga nabubuhay sa karangyaan, kayabangan at sa kalabisan na akala ay hindi na sila maghihirap pa ay ang magiging unang biktima kapag ang kanilang personal na “the summer solstice” ay nangyayari na sa buhay nila.
Kaya marami tayong nababalitaan na dating sobrang yaman, pero ngayon ay mahirap pa sa daga, gayundin, maraming may hawak ng matataas na ranggo sa buhay na ngayon ay umaasa na lang ng tulong sa taong pangkaraniwan.
Hindi rin maikakaila na may ilang umaasta na sila ay Panginoon, pero ngayon ay nangangailangan ng tulong sa mga taong kanilang inapi. Sila na dating kinikilala dahil sa magandang kalagayan sa buhay, ngayon ay nakikilala na dahil sa masaklap na paghihirap sa buhay.
Ang isa pang mahalagang katanungan ay puwede ba itong hadlangan?
(Itutuloy)




Comments