4 YEAR OLD AND ABOVE STAKES RACE

NAKATAKDANG bitiwan ang 2019 Philracom “4 Year Old & Above Stakes Race” sa Hulyo 14 sa Saddle and Clubs Leisure Park sa Naic, Cavite.
Bukas sa lahat ng 4 year old & above na imported at local horses na may guaranteed prize na P500,000. Ayon sa Philracom, hahatiin sa apat ang unang makatatawid sa finish line at tatanggap ng P300,000 ang tatanghaling kampeon, habang P112,500 sa 2nd Place, P62,500 ang 3rd place at makatatanggap ng P25,000 ang 4th place.
Samantala, anim na karera ang hahataw ngayong gabi sa “Additional One Win in Group Races” sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite. Sa Race 1, magaganap ang Pick 6 at pinapaboran ang Refuse To Lose habang ang Nice Yun Halo ang makakalaban ng mahigpit.
Magsisimula ang Pick 5 sa Race 2 at pinapaboran ang Spring Away at makakalaban ang Marino ng Tanglaw. Ipinapatok ang Garantisado habang makakalaban ang Lucky Julliane, Apo at San Rafael sa Race 3 na umpisa ng Pick 4.
Sa Race 4, walang kasing patok ang Mr. Bourbon habang ang Sikat, Play It Safe at Miss Marshall ang siyang makakalaban. Magtatagisan ng galing ang mga kalahok na My Big Osh, Daanbantayan, Hallelujah, Boom Boom Thailer, Only You at Baby Galore sa Race 5. Ipinapatok ang Super Sonic sa paghataw ng Condition Race (18) habang ang Blind Item, Moon Fire at Beyond D’ Sea ang pinagpipilian sa forecast event.
Tip Ni Mang Ding: Race 1- Refuse To Lose (3) Nice Yun Halo (4) Race 2- Marino ng Tanglaw (4) Spring Away (6) Entry No.2 Race 3- Garantisado (5) Race 4- Mr. Bourbon (4) Race 5- My Big Osh (5) Hallelujah (7) Daanbantayan (6) Race 6 Super Sonic (1)





Comments