top of page
Pokwang.jpg

4 menor-de-edad na bolt-cutter gang, tiklo

Levi Gonzales
Jun 21, 2019
1 min read

AGAD natukoy ng mga awtoridad ang apat na me­nor-de-edad na respon­sable sa panloloob sa bahay ng isang negosyante sa Bgy. Pahinga Norte, Candelaria, Quezon.

Ala-1:50 ng madaling-araw nang pasukin ng mga suspek na sina alyas Leo, 17; ‘Jan’, 17; ‘Vin’, 15, at ‘Mar’, 15, ang bahay ng isang ne­gos­yante.

Gamit nila ang bolt cut­ter kung saan dumaan sila sa kusina at sinira ang kandado ng pinto.

Mabilis nilang nilimas ang iba’t ibang mamahaling kagamitan na tinatayang nasa P150,000.

Agad naman silang na­kilala at isa-isang naaresto maging ang pagbawi sa ka­nilang mga nakulimbat.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page