2 lolo, kulong sa shabu
Janice Baricuatro
Jun 21, 2019
1 min read

ARESTADO ang dalawang lolo na magkatropa umano sa pagtutulak ng shabu sa buy-bust operation sa Bgy. Salcedo II, Noveleta, Cavite kahapon ng madaling-araw.
Kinilala ni Police Captain Rosalino Panlaqui ang mga suspek na sina Jim Younger alyas Lo Jimboy, 61, at Wilfredo Estorninos, 60, magkumpare.
Alas-2:00 ng madaling-araw nang ikasa ang drug-bust operation laban sa mga suspek.
Narekober mula sa mga ito ang pitong sachets ng shabu at drug money.





Comments