top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

2 linggong comatose, pumanaw sa edad na 90… PAALAM, MANOY EDDIE

  • Nene Riego
  • Jun 21, 2019
  • 2 min read

NAGDADALAMHATI ang buong showbiz industry sa pagpanaw ng veteran actor na si Eduardo Verchez Garcia o mas kilala bilang Eddie “Manoy” Garcia kahapon (June 20), eksaktong 4:55 nang hapon.

Halos dalawang linggong na-comatose ang magaling na aktor-direktor dahil sa natamong neck injury matapos na aksidenteng mapatid sa kable ha­bang nagsu-shooting ng bagong serye ng GMA-7 na Rosang Agimat.

Sa pelikulang Siete Infantes de Lara na ipinalabas noong 1949 unang luma­bas ang veteran actor. Simula nito ay nakagawa na siya ng lagpas 300 pelikula at kinilala sa laki ng naging ambag niya sa Philippine movie at TV industry.

Si Eddie Garcia rin ang aktor na may pinakamaraming natanggap na awards sa prestihiyosong award-giving body na FAMAS.

Siya rin ang kaisa-isang Pinoy actor na nanalong Best Actor sa Asia-Pacific Film Festival and Asian Film Festival.

Sa edad niyang 90 ay malakas at nakakagawa pa ng pelikula at serye ang veteran actor. Huli siyang napanood sa primetime action serye ni Coco Martin na Ang Probinsyano bilang si Don Emilio.

Sunud-sunod na pelikula rin ang ginawa ni Manoy Eddie noong 2018 — ang Cinemalaya entry na ML, QCinema International Film Festival entry na Hintayan ng Langit kung saan naka­pareha niya ang magaling na aktres na si Gina Pareño, at ang award-winning film na Metro Manila Film Festival entry na Rainbow’s Sunset.

Sa katatapos lang na PMPC Star Awards for Movies, hinirang na isa sa mga Natatanging Bituin ng Siglo (Outstanding Star of the Century) si Eddie dahil sa laki ng contribution niya sa mun­do ng pelikula.

Nakakabigla talaga ang nangyari kay Manoy at walang nag-isip na sa ganitong paraan siya mawawala.

Minsan kasi ay naikuwento rin ng veteran actor sa isang kaibigan na dahil moderate lang ang pagtikim niya ng liquor, sex at cigarettes, hindi raw siya magkakasakit.

“Healthy living ako. ‘Di ako sa sakit mamamatay,” sabi niya.

Kaya naman, ipinagluluksa ng buong industriya ang untimely death ng itinu­turing na isa sa mga haligi ng showbiz and movie industry.

Samantala, naglabas na rin ng official statement ang GMA-7 bilang paki­kisimpatya sa pagpanaw ng nag-iisang “Manoy” ng Philippine Movies.

“GMA Network deeply mourns the passing of veteran actor Edu­ardo “Eddie” Verchez Garcia.

“Manoy, as he is fondly called, will be greatly missed by his family, loved ones, co-workers, and fans.

“An accomplished and respected actor and director, he was a movie icon and an industry pillar who have touched so many lives in the Philippine entertainment industry. He left behind a legacy of professionalism, dedication, and love for his craft.

“The Kapuso Network joins his family and the whole entertainment industry in mourning his passing.”

Isang mapayapang pagla­lak­bay. Paalam, Manoy Eddie.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page