Regalo raw sa b-day ng Koreano…ANGELICA AT RYAN BANG, NAGTIKIMAN
- BULGAR

- Jun 20, 2019
- 1 min read
Beth Gelena / BULGARY FILES

VIRAL ang lips-to-lips scene nina Angelica Panganiban at Ryan Bang sa episode ng Banana Sundae nu’ng Sunday.
Reaksiyon ng mga netizens, halatang nagustuhan at kinilig si Ryan sa eksena nila ng magandang aktres.
Para naman kay Angelica, ‘yun ang gift niya kay Ryan dahil birthday nito.
May nagsasabi pang sana raw ay ligawan ni Ryan ang actress dahil bagay naman sila at pareho ring loveless.
Knows naman daw ni Angelica na crush siya ng It’s Showtime host kaya hindi siya nag-second thought na kiss sa lips ang iregalo kay Ryan.





Comments