Papasok ng trabaho, kotse sapol | 2 OFWs, TIGOK SA TREN

PATAY ang dalawang Pinoy matapos mabangga ng tren ang kanilang sinasakyang kotse sa Pongakawa, New Zealand, kahapon ng umaga.
Pansamantalang hindi muna pinangalanan ang mga ito habang dinala sa pagamutan ang tatlo pang kasamahan na kapwa malubhang nasugatan matapos magtamo ng matinding pinsala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Base sa ulat ni Jesus Domingo, Ambassador ng New Zealand, nangyari ang insidente sa Pongakawa, North Island New Zealand, alas-8:15 ng umaga.
Sa imbestigasyon ng Fire and Emergency New Zealand, lulan ng kotse ang mga biktima nang tumawid ang mga ito sa crossing ng riles kung saan hindi umano napansin ang parating na tren.
Papasok umano ng trabaho ang mga biktima na tagapitas ng prutas.
Dagdag pa ni Domingo, aalamin nila kung paano nangyari ang aksidente kung saan may harang umano sa lugar ‘pag may dumarating na tren.





Comments