Pagsusunog ng anumang klaseng solid waste

Dear Chief Acosta,
Madalas na sinusunog ng aming kapitbahay ang kanilang mga basura at dahun-dahon sa kanilang bakuran. Sila ay nakatira sa tabi ng aming bahay kaya ‘yung usok mula sa siga ay napupunta rin sa amin at nakapeperhuwisyo siya, lalo na kapag may sinampay sa labas dahil nangangamoy usok ito kaya nais kong malaman kung mayroon ba siyang nilalabag na batas sa kanyang ginagawa? — Gino
Dear Gino,
Ang batas na sumasaklaw sa inyong sitwasyon ay ang Section 48 (3) ng Republic Act 9003 o mas kilala bilang “Ecological Solid Waste Management Act of 2008” kung saan nakasaad ang mga sumusunod:
“Section 48. Prohibited Acts - The following acts are prohibited:
(3) The open burning of solid waste;”
Dagdag pa rito, nakalagay sa nabanggit na batas ang mga parusa sa sinumang tao na magsusunog ng mga solid waste. Ito ay nakalahad sa Section 49 (b) ng nasabing batas:
“(b) Any person who violates Sec. 48, pars. (2) and (3), shall, upon conviction be punished with a fine of not less than three hundred pesos (P300) but not more than one thousand pesos (P1,000) or imprisonment of not less than one (1) day but not more than fifteen (15) days or both;”
Bilang panghuli, maaari rin managot sa Republic Act (R.A.) No. 8749 o mas kilala bilang “Philippine Clean Air Act of 1999” ang sinumang magdudulot ng air pollution sa ating himpapawid alinsunod sa Section 5 (b):
“b) ‘Air pollution’ means any alteration of the physical, chemical and biological properties of the atmospheric air, or any discharge thereto of any liquid, gaseous or solid substances that will or is likely to create or to render the air resources of the country harmful, detrimental, or injurious to public health, safety or welfare or which will adversely affect their utilization for domestic, commercial, industrial, agricultural, recreational, or other legitimate purposes;”
Malinaw sa mga nabanggit na mahigpit na ipinagbabawal ang pagsusunog ng anumang klase ng solid waste tulad ng basura at mga dahon at sinuman ang mapatunayang gumawa nito ay maaaring maparusahan. Sa inyong sitwasyon, ang ginagawa ng inyong kapitbahay na pagsusunog ng kanilang basura at dahon ay maliwanag na paglabag sa batas at maaari siyang makulong o pagmultahin, depende sa diskresyon ng hukuman.
Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.





Comments