top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Mga tauhan ng BOC na korup at iresponsable, tanggalin!

Ryan B. Sison
Jun 20, 2019
1 min read

SA sunud-sunod na problema at paalala ng mga kinauukulan hinggil sa mga kontrabando, ang Bureau of Customs (BOC) ang higit na responsable sa mga ito.

Kaya tiniyak ni Customs Commissioner Rey Leornardo “Jagger” Guerrero na matatanggal at malilipat sa iba’t ibang departamento ang kanilang mga tauhan na palpak ang serbisyo nang sa gayun ay tuluyang malinis ang kanilang hanay at maging maayos na ang proseso.

Matatandaang, may 61 BOC personnel na ang nasampulan kung saan kinasuhan ang mga ito ng administratibo dahil sa paglabag, tatlong tauhan ang natanggal sa serbisyo at apat ang nasuspinde habang may iba pang nakabimbin ang kaso.

Sa ngayon, marami pa ring mga opisyal ang korup at iresponsable kung saan sinukuan na rin ito mismo ng pangulo, pero kung nararapat silang tanggalin para matuldukan ang problema na nakaaapekto sa ekonomiya, dapat lang itong gawin!

Nakalulungkot dahil mas ipinaiiral ng iba ang katiwalian kaysa ang pagtulong sa bayan.

Samantala, hindi lamang ito nangyayari sa BOC kundi maging sa iba pang ahensiya kung saan ito ang dahilan kaya patuloy na salat ang mga Pilipino hindi lang sa pera kundi sa mga establisimyentong mapakikinabangan sana nila, pero tinitipid ng ahensiya.

Kaya para sa kapakanan ng lahat, korupsiyon, tuldukan!

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page