top of page
Pokwang.jpg

Manager todas sa riding-in-tandem

Pabs Hernandez III
Jun 20, 2019
1 min read

TUGUEGARAO CITY—Isang manager ang namatay at sugatan naman ang babae nang barilin sila ng riding-in-tandem, kamakalawa sa Bgy. Caritan Centro sa lungsod na ito.

Nakilala ang nasawi na si Simeon delos Santos, samantalang, ang sugatan ay si Mozaliza Esquibel, kapwa nakatira sa naturang lungsod.

Ayon sa ulat, nakasakay sa kotse sina Delos Santos at Esquibel nang pagbabarilin sila ng dalawang hindi kilalang lalaki na nakasakay sa motorsiklo.

Nagpalabas na ng manhunt operation ang mga awtoridad para madakip ang mga suspek.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page