Internet connection at CR sa lahat ng terminals
- BULGAR

- Jun 20, 2019
- 1 min read

Bago makagamit ng palikuran sa mga terminal, kailangan munang maglibot para makahanap at dumukot ng barya para ipambayad sa paggamit nito.
Kamakailan lamang, nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act No. 11311 o An Act to Improve Land Transportation Terminals, Stations, Stops, Rest Areas and Roll-on/Roll-off Terminals.
Sa ilalim ng naturang batas, ang mga terminal, istasyon, rest area at iba pang transport hub ay required na magbigay ng mga pangunahing pangangailangan ng mga pasahero kabilang ang internet connection at malinis na palikuran.
Bukod pa rito, dapat umanong magkahiwalay ang comfort room (CR) ng pasaherong lalaki, babae at persons with disabilities (PWDs) at dapat magkaroon ng nakabukod na lactation station.
Ang mga palikuran ay dapat magkaroon ng ligtas at sapat na suplay ng tubig, flush system, toilet seat with cover, toilet paper, salamin, sabon, hand dryer, door lock, trash bin at diaper-changing area.
Hindi na pinahihintulutan ang paniningil para makagamit ng palikuran at kailangan lamang ipakita ng mga pasahero ang kanilang travel ticket para libreng makagamit ng sanitary facilities.
Ang mga owner at operator ng terminal na mapatutunayang sumuway ay magmumulta ng P5, 000 kada araw ng paglabag.
Malaking tulong ito sa mga kababayan nating bumibiyahe dahil hindi na nila alintana ang paghahanap ng CR sa mga terminal anumang oras nila kailanganin.





Comments