top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Carnapping, nabawasan — PNP

Jeff Tumbado
Jun 20, 2019
1 min read

NASA 56.8 percent ang ibinaba ng bilang ng carnapping incident sa bansa nitong Mayo.

Batay sa datos ng Philippine National Police (PNP), nakapagtala sila ng 19 na carnapping incidents hanggang sa Mayo ngayong taon.

Mas mababa ito kumpara sa 44 na kaso sa kaparehong buwan noong nakaraang taon.

Walang naitalang kaso sa bahagi ng Police Regional Offices 1, 2, 4A, 5, 6, 8, 9, 11, 13 at sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Binati naman ni PNP Chief Gen. Oscar Albayalde ang PNP Highway Patrol Group sa pangunguna ni Brig. Gen Roberto Fajardo para sa pagbaba ng kaso ng pagnanakaw ng kotse.

Sinabi ng PNP na nag-ugat ang pagbaba nito sa tulong ng crackdown ng HPG laban sa mga carnapping syndicate sa buong bansa.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page