top of page
Pokwang.jpg

Apoy na mula sa langit

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 20, 2019
1 min read

Salaminin natin ang panaginip ni Minda ng Minda_Reyes@face-book.com

Dear Professor,

Bakit palagi akong nananaginip ng apoy na mula sa langit?

Salamat!

Naghihintay,

Minda

Sa iyo Minda,

Ang tinatawag na “the gift of fire” ay mula sa langit. Kaya ito tinawag na gift o regalo dahil noon, sa kasaysayan ng tao sa mundo ay wala pang apoy at dahil walang apoy, “life is cold and there is no exicement.

Nakita ng langit na ma­lungkot ang buhay ng mga tao, kaya niregalu­han niya ito ng apoy. mula noon, hindi lang simpleng sumaya ang tao dahil masasabing sila ay lumi­gaya.

Ligaya dahil ang pag­mamahalan na walang alab o init ng pagmamahal ay love na walang kaku­wenta-kuwenta. Ang to­too, ang love na hindi ma­alab o walang init ay mau­uwi sa hiwalayan.

Ayaw ng langit na hin­di ka masaya at mali­gaya, kaya reregaluhan ka Niya ng init at alab ng pagma­mahal.

Alam mo, iha, kapag ang lovelife ng tao ay ma­ganda, ang buhay niya ay magiging maganda rin. Minsan, ito ay parang hin­di totoo dahil napakasimple lang pala ng susi patungo sa magandang buhay, pero kung susuriin mo ang buhay ng tao, ikaw na mismo ang magsasa­bing, ang taong madalas suwertehin ay may ma­saya at maligayang bu­hay-pag-ibig.

Ang tao, dasal nang da­sal at kung anu-ano ang hinihingi sa nasa ita­as. Pangkaraniwan ang mga materyal na bagay da­hil ang tao ay nagkaka­mali sa kanyang prayori­dad.

Para sa iyo, init at alab ang kailangan mo, ito rin ang magpapaganda sa buhay mo kung saan ma­raranasan mo ang walang katapusang pagdating ng mga suwerte.

Hanggang sa muli, Professor Siegusmundo del Mundo

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page