6 tiklo sa bala at shabu

ANIM na hinihinalang sangkot sa iligal na droga kabilang ang isang lola at ginang ang arestado sa buy-bust operation of firearms and ammunitions ng mga pulis sa Navotas City.
Kinilala ang mga naarestong suspek na sina Arturo Asis alyas Nognog, 34; Albert Villareal alyas Puloy, 34; Edward Palonpon, 23; Miriam Raval, 40; Rebecca Ragas, 65, at Lennie Potaso, 48.
Alas-10:00 ng gabi nang ikasa ng mga operatiba ng NPD District Special Operation Unit sa pangunguna ni PLt. Melito Pabon ang operasyon kontra kay Asis sa Bgy. NBBN.
Matapos iabot ni Asis ang limang piraso ng bala ng 12 gauge shotgun sa pulis na umaktong poseur-buyer kapalit ng P200 marked money, agad lumapit ang back-up na mga operatiba at sinunggaban ang suspek, kasama sina Villareal, Palonpon, Raval, Ragas at Potaso.
Narekober sa mga suspek ang 11 sachets ng hinihinalang shabu na nasa P20,000 ang halaga at buy-bust money.





Comments