top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Lumabas ng bahay | 5 YRS. OLD NILAPA NG 10 ASO, PATAY

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 19, 2019
1 min read

DEDO ang limang taong gulang na lalaki makaraang atakihin ng nasa 10 aso sa Bgy. Aguada, Isabela City, Ba­silan.

Naglalakad umanong mag-isa ang bata sa labas ng kanilang bahay alas-2:00 ng madaling-araw ng Lunes nang makasalubong nito ang mga aso.

Nakita umano ng isang miyembro ng pulisya ang bata at dinala sa Basilan Community Hospital. Pagsapit ng hapon, dinala pa sa Zamboanga City ang bata subalit, binawian din ito ng buhay, kahapon.

Hindi pa matukoy kung bakit lumabas ng bahay ang bata nang walang kasama. (BRT)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page