Kalahating taon na raw… RELASYON NINA ALESSANDRA AT DIREK RICO, BUKING SA IG!
- BULGAR

- Jun 19, 2019
- 2 min read
Nitz Miralles / BIDA

KAYA pala mga litrato na ni Alessandra de Rossi ang naka-post sa Instagram (IG) account ni Rico Gutierrez at hindi litrato ng model na matagal na nakarelasyon ng masipag na direktor ng GMA-7 ay dahil sa tsikang sina Direk Rico at Alessandra na ang magkarelasyon ngayon.
Kalahating taon na raw ang relasyon nina Direk Rico at Alex, at nalaman lang ito dahil hindi na nagpo-post si Direk Rico ng mga photos nila ng ex niyang si Michelle Paloma. Tapos, biglang mga litrato na ni Alex ang makikita sa IG ng director.
Napapansin din ang slight sweetness nina Direk Rico at Alex sa kanilang convo, although may halong comedy na para lang magbarkadang nagkakantiyawan dahil ayaw sigurong magpabuking ng dalawa.
May comment joke si Direk Rico na nagpahalata na sila na ni Alex dahil sabi nito, “Knock, knock. Who’s there? Ang future mo!” at may common friend silang nag-react ng “Oh, my!!! This is it, direk! Bagay na bagay!” na sinagot ni Direk Rico ng… “Hehe, thank you.”
Pansin na pansin din ang pagla-like nina Direk Rico at Alex sa post ng isa’t isa na hindi naman nila ginagawa dati. Although, hindi pa namin nababasa ang pangalan ng mom ni Alex na nagla-like sa post ni Direk Rico, may mga nakapansin na at bukod doon, nagko-comment pa raw ang mom ni Alex sa post ng direktor.
Masaya ang mga nagmamahal kina Direk Rico at Alex kung totoong “sila na” at sana, maging masaya silang magkasama at sila na ang forever ng bawat isa.
Kilala ng Kapuso fans si Direk Rico na director ng Amazing Earth, Daig Kayo ng Lola Ko, StarStruck at iBilib.





Comments