top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

HOROSCOPE | Hunyo 19, 2019 (Miyerkules)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 19, 2019
  • 2 min read

SA MAY KAARAWAN NGAYONG HUNYO 19, 2019 (Miyerkules): Mala­kas ang dating ng mga suwerte mo. Mas ma­ganda na gamitin mo ang mga ito para sa iyo at hin­di sa ibang tao.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ipagpatuloy mo ang ningas ng iyong siga­sig dahil dito, hindi ka mabibigo. Kaya nabibigo ang tao ay dahil nawawa­lan siya ng sigla na mag­patuloy. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-6-17-20-23-39-40.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Pamin­san-minsan, tapikin mo ang banga sa bahay mo dahil naririto ang mga suwerte mo. Kapag du­mating ang araw na ka­ilangan mo ng suwerte, tapikin mo ang banga sa bahay ninyo. Masuwer­teng kulay-violet. Tips sa lotto-4-10-27-30-41-45.

GEMINI (May 21- June 20) - Isuot mo ngayon ang iyong pabori­tong damit dahil ito mis­mo ang pampasuwerte mo ngayon. Makaaasa ka na gaganda ang takbo ng mga pangyayari kung saan papabor ito sa kagustuhan mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-6-16-20-25-34-41.

CANCER (June 21- July 22) - Harapin mo nang may saya at sigla ang panahon ng tag-ulan dahil ang mga patak ng tubig-ulan, sa maniwala ka o hindi, ito ang iyong pi­­na­­kamalakas na pampa­suwerte sa buhay. Masu­werteng kulay-red. Tips sa lotto-3-8-11-15-23-30.

LEO (July 23-Aug. 22) - Kailangan mong hinta­yin ang pagsi­kat ng Haring Araw dahil ang sikat nito ay ang mag­papalakas ng suwerte mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-14-18-20-24-33-35.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kung gusto mong maku­ha ang iyong gusto, sundin mo ang payo ng iyong kapalaran na nagsasabing, magsuot ka ng makikislap na bagay. Iwasan mo ring gumamit ng mga kupas at luma na. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-8-10-25-39-43-44.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Simple lang ang sikreto kung paano ka bubuwenasin. Ito ay ang makipagkuwentu­han ka sa mga dati mo ng mga nakakakuwentuhan tung­kol sa buhay. Masu­wer­teng kulay-green. Tips sa lotto-12-16-20-35-37-40.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kahit hin­di mo ami­nin, may ini­ingatan kang bagay na gawa sa metal. Inuutusan ka ng iyong kapalaran na ito ay iyong ingatan dahil ito ang pampasuwerte mo sa buhay. Masuwerteng ku­lay-yellow. Tips sa lot­to-2-14-16-23-24-42.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Walang talab sa iyo ang makaka­pal na ulap. Nakabaon sa iyong kamalayan na sa gilid ng mga ulap ay may malapilak na liwanag na magbibigay sa iyo ng su­werte sa buhay. Masuwer­teng kulay-purple. Tips sa lotto-11-18-21-25-27-38.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Nakatu­tu­wa ang sik­reto kung pa­ano ka bubuwenasin da­hil ayon sa iyong kapala­ran, basta nakasayad ang mga paa mo sa lupa, ang mga suwerte ay magdara­tingan sa buhay mo. Ma­su­werteng kulay-pink. Tips sa lotto-5-16-19-25-31-33.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Nauuna ang ihip ng hangin bago dumating ang malakas na ulan. Samantalahin mo ang nasabing pagkakata­on, kailangang dumapo sa mga pisngi mo ang hangin ng ikaw ay buwenasin. Ma­suwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-4-11-17-25-26-32.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hindi puwede na matagal kang hindi ku­mikilos. Tayo-upo, upo-tayo ang simpleng paraan para ang magagandang bagay ay magsipasok sa iyong kapalaran.Ito ang mensahe para sa iyo. Ma­suwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-6-15-20-21-28-45.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page