top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Coed, kulong sa P3 milyong droga

  • Janice Baricuatro
  • Jun 19, 2019
  • 1 min read

NADAKIP ng Bacoor Police ang isang 3rd year college student na naku­ha­nan ng may mahigit sa 3 mil­yong pisong halaga ng ma­rijuana sa buy-bust operation sa Bgy. Molino 4, Bacoor City, Cavite.

Kinilala ang suspek na si Daniel Mendoza alyas Daniel, 24, freelance dan­cer.

Sa isinumiteng ulat ni Police Supt. Vicente Ca­bati­ngan kay Cavite Pro­vincial Director Sr. Supt. Wil­liam Segun, isang ma­lawa­kang drug-bust ope­ration ang kanilang inila­tag laban sa nasabing es­tudyante mata­pos ang may ilang araw ni­lang pag­­subaybay dito.

Alas-7:50 ng gabi ka­sa­ma ang grupo ng SDET Ba­coor at ilang miyem­bro ng PDEA Cavite at PDEA 4A, inilatag ang ope­rasyon sa ba­hay nito kung saan isa sa kapu­li­san ang tuma­yong buyer at nakaiskor ng mari­juana sa suspek.

Nakumpirma na hindi lang marijuana ang na­kum­piska sa suspek kun­di im­ported marijuana pa na mas kilala sa tawag na kush na mas mahal ang bentahan.

Nakumpiska rito ang apat na sachets na nagla­la­man ng mga buto at pi­na­tu­yong dahon ng kush at mga kasangkapan.

Sa kabuuan, aabot ng mahigit sa 446 gramo ng kush na aabot sa P3,032,800 ang nasam­sam.

Nauna rito, naaresto ang dalawang sinusupla­yan ng suspek na sina Chira Aud­rey Trin­chera, 20, 1st year college stu­dent at Jonathan Du­malao, 41, cons­truction worker na silang nag-tip umano sa supplier nila na si Mendoza.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page