top of page
Pokwang.jpg

Bago um-attend ng hearing | MAG-UTOL PINAGBABARIL, UTAS

Jeff Tumbado
Jun 19, 2019
1 min read

KAPWA patay sa pananambang ng hindi pa mabatid na suspek ang magkapatid na nakatakda sanang dumalo sa pagdinig ng kanilang kaso sa korte sa Carmen, Bohol, kamakalawa ng umaga.

Kinilala ang magkapatid na sina Romeo at Ricky Dingal na may kaso sa paglabag sa RA 9165 sa Carmen Regional Trial Court. Ayon kay Police Major Conrad Manatad, pababa na mula sa sasakyan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang magkapatid nang sila’y pagbabarilin.

Isang puting van ang umano’y lumapit sa sasakyan ng BJMP kung saan bumaba ang isang armadong lalaking naka-bonnet at binaril ang magkapatid. Nasugatan sa insidente ang jailguard na si Officer Jorge Lungay. Tinutugis pa rin ng pulisya ang suspek.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page