Babaeng naiinis sa bestfriend na unfair

Dear Roma,
Ako si Merriam, call center agent. Graveyard shift ako sa pinapasukan ko. May friend akong nagyayaya sa akin na mamasyal. Ang pasok niya ay morning shift, pero tuwing may lakad, nagpapabago siya ng schedule niya, pero kami, hindi puwedeng masunod sa schedule. Kahit pagod na pagod at antok na antok na ako, hindi ko siya mahindian dahil bestfriend ko siya. Iniisip ko na baka may gusto talaga siyang bilhin kaya kahit puyat, maaga akong gumagayak para sa lakad namin. Ang nakaiinis lang, Roma, bigla siyang nag-cancel ng lakad. Ilang ulit na itong nangyayari at medyo nakararamdam na ako ng inis dahil alam niyang graveyard shift ako. — Merriam
Merriam,
Marahil makabubuti kung ipaaalala mo sa kanya ang sitwasyon ng iyong trabaho dahil minsan, nagiging makalilimutin din ang mga tao. Maganda rin kung ipaaalam mo sa kanya na naiinis ka sa pamamagitan ng mahinahong pakikipag-usap at sabihin mo sa kanyang hindi mo siya mahindian dahil alam mong may gusto siyang bilhin. Sa paraang ito, bukod sa malalaman niya ang kahalagahang ibinibigay mo sa kanya bilang bestfriend niya ay malalaman din niyang nagpapakatotoo ka. Paraan din ito para kung sakali mang dumating ang punto na kailangan mong humindi sa mga kahilingan niyang lakad, eh, maiintindihan ka na niya. Gets mo? God bless you!





Comments