Amerikanong tulak, timbog

TIKLO sa isinagawang operasyon ng pulisya ang American national na umano’y tulak ng iligal na droga sa Negros Oriental, kahapon.
Nakuhanan ng ilang pakete ng shabu ang suspek na si James Thomas Hobert sa loob ng tinutuluyang hotel sa Dumaguete City.
Ayon sa Station Drug Enforcement Unit ng Dumaguete City Police Station, nasa street value na mahigit P50,000 ang mga nakumpiskang kontrabando mula sa posesyon ni Hobert.
Dati na umanong naaresto si Hobert dahil din sa umano’y pagbebenta ng droga pero, nakapagpiyansa ito.





Comments