Alamin mula kay Señor... MGA PANINIWALA TUNGKOL SA IBA’T IBANG PAMPASUWERTE
- BULGAR

- Jun 19, 2019
- 2 min read
Bigyang-daan natin ngayon ang pagpapatuloy sa kasagutan sa email ni Robert ng Robert_Robert @facebook.com
Sa iyo Robert, Tulad ng nabanggit noong nakaraan, sa darating na June 21 ay magaganap ang tinatawag na “the summer solstice” na nagsasabing, tapos na ang spring time.
Sa June 21, ang Haring Araw ay nasa kanyang pinakamataas na kalagayan. Kaya sa mga susunod na araw ay makikitang, bagama’t, nasa mataas na kalagayan ay pababa ito nang pababa.
Sa buhay ng bawat tao, mayroon ding silang tinatawag na lihim na kanilang summer solstice. Maaaring hindi nila alam, pero ito ay kanilang nararanasan.
Dumarating sa buhay nila na ang pinakamataas na kalagayan kung saan masasabing ang kanilang kapalaran ay umaangat.
Isang batas ng kapalaran ang kanilang mararanasan na nagsasabing, kapag naabot na ang tuktok, unti-unti nang bababa ang kapalaran. Ang iba, sa una ay hindi makapaniwala na sila ay pababa na. Hindi nila matanggap na silang dating nasa itaas ay puwedeng mapunta sa ibaba.
Sa ganitong akala ay may masaklap na kapalaran, maraming kung anu-anong paraan ang kanilang ginagawa kung saan sila ay nagpahula at nagpabasa ng mga palad.
Para sa paksa natin ngayon, muli nating balikan ang nasusulat sa Bibliya na ayon sa kasaysayan ng Apostoles ni Lord Jesus Christ, nakikiusap ang lalaki sa mga alagad na kung puwede siyang makabili ng kapangyarihan para mawala ang kanyang kamalasan sa buhay.
Ayon sa nasusulat, sinabi ng mga alagad na bawal bilhin ang kapangyarihan at pagalit na kanilang sinabi, “ang pera mo at ikaw ay kapwa mapapahamak!” Dahil dito, sasamantalahin na rin natin ang pagkakataong ito na ipaalala sa ating mga tagasubaybay na bawal bumili ng kung anu-anong pampasuwerte.
(Itutuloy)




Comments