6,000 patay sa war on drugs

NADAGDAGAN pa ang bilang ng mga nasawi sa giyera kontra iligal na droga ng pamahalaan.
Sa isinagawang command conference ng Philippine National Police, iniulat ni Police Major General Mao Aplasca, Chief ng Directorate for Operations na umabot na sa 6,600 ang mga nasawi sa kanilang anti-illegal drug campaign sa buong bansa.
Sakop nito ang petsang July 1, 2016 hanggang May 31, 2019.
Iniulat din ni Gen. Aplasca na kabuuang 1,530,574 na ang mga drug personality na sumuko sa mga pulis at 240,565 naman ang mga naaresto.





Comments