Video, 4 million views na… MICHAEL V., BENTANG-BENTA SA PANGGAGAYA KAY JK LABAJO
- BULGAR

- Jun 18, 2019
- 1 min read

ANG galing-galing talaga ni Michael V. sa pagre-reinvent ng kanyang sarili kapag may celebrity o personalidad siyang gustong gayahin.
Nag-trending at umani ng 4 million views ang song parody niyang Buwan na pinasikat ni JK Labajo at inilabas sa Bubble Gang noong nakaraang Biyernes (June 14).
Maraming naaliw sa version ni Michael V. ng Buwan kasama ang mga mainstays ng Bubble Gang na sina Antonio Aquitania, Sef Cadayona, Archie Alemania at Betong Sumaya.
Rakistang-rakista ang porma nila sa song parody ng Buwan.





Comments