TRICYCLE DRIVER TINODAS
Janice Baricuatro
Jun 18, 2019
1 min read

BUMULAGTA ang tricycle driver matapos barilin ng hindi pa nakikilalang suspek na nakasakay sa motorsiklo sa Naic, Cavite, kamakalawa.
Sa inisyal na ulat,alas-6:30 ng gabi nang maganap ang pamamaril sa Naic-Indang Road, Bgy. Palangue 2-3.
Nagbababa umanong pasahero ang biktimang si Joshua Buyan mula sa kanyang tricycle nang biglang tapatan siya ng motorsiklo sakay ang suspek saka walang sabi-sabing malapitang binaril sa leeg ang biktima na agad nitong ikinamatay.





Comments