TORNADOES AT LOGISTICS, PATITINAG BA SA SUPERLIGA?
- MC
- Jun 18, 2019
- 2 min read

IPAPARADA ng Foton ang isinaayos na rosters habang ang F2 Logistics ay pakay ang ikalawang panalo laban sa kani-kanilang katunggali sa Philippine Superliga All Filipino Conference ngayon sa Fil Oil Flying V Centre sa San Juan.
Ang bagong bihis na Tornadoes ay babanat vs. Sta. Lucia ng 4:15 p.m. habang ang Cargo Movers ay mapapahamon sa PLDT Home Fibr ng 7 p.m. sa prestihiyosong women’s club tourney.
Samantala, asam ng Generika-Ayala at ng MarinerangPilipina na makaresbak mula sa pagkatalo sa opening day sa banggaan nila ng 2 p.m. ng mid season tourney.
Hindi nakalaro si Filipino-American Kalei Mau sa opening day para sa Cargo Movers dahil binibigyan pa siya ni head coach Ramil de Jesus ng panahon para makapag-adjust at mapag-aralan ang kanyang sistema.
Nananatiling matibay ang Cargo Movers nang dominahin ang Lifesavers sa straight sets, 25-12, 25-21, 25-17, noong Sabado.
Hinihintay pa rin ang desisyon ni Mau na maglaro pero, umaasa si de Jesus sa roster ni Kianna Dy na nagbalik matapos magpagaling ng injury na masamahan ang star-studded core na sina Aby Maraño, Desiree Cheng, Majoy Baron, Ara Galang at Dawn Macandili. “Having my players from La Salle and with Kianna returning is a big help,” ani De Jesus, na pinagwagian ang Grand Prix silver sa kabila ng pilay na roster.
“At least, now I can rotate a lot of players.” Hindi magpapapetiks ang F2 Logistics dahil may ibubuga rin kahit paano ang PLDT mula sa kanilang naging pocket tournament sa Perth, kung saan nakasagupa nina Gretchel Soltones, Aiko Urdas, Jasmine Nabor at Jerili Malabanan ang best players sa siyudad.
Sa kabilang banda, hindi pa handa ang Tornadoes na isalang ang magkapatid na Ej at Eya Laure dahil pareho pangmay injuries ang mga ito at nagpapagaling.
May left ankle injury si Eya habang ang nakatatandang kapatid na si EJ ay wala pa sa kondisyon matapos ang shoulder injury ng nakaraang dalawang taon.
Pero, ang Foton ay nananatiling malakas dahil sa bagong recruits na sina Laizah Bendong, Marian Buitre at Justine Dorog na idinagdag kina Jaja Santiago, Dindin Manabat, Mina Aganon at Maika Ortiz para sa attack zone.
Inaasahan naman ni Foton head coach Aaron Velez ang patuloy na lakas ng Santiago sisters sa buong torneo at mamuno ang mga ito mula sa naging mga karanasan sa V Premier League sa Japan.
“We’ll take it one step at a time this time,” ayon kay Velez. “We learned our lessons from the Grand Prix.
We will polish things this time and expect a more energize and hard-fighting Foton.”





Comments