THAIS, DINADAGA SA SEAG, PINOY CYCLISTS, MAS GAMAY ANG RUTA

PARA makabisado nang husto ang tunay na kalagayan at kondisyon sa ruta ng cycling sa Southeast Asian Games, sumali ang Thailand National Cycling Team sa pangunguna ni Ratchanon Yaowarat sa limang stages ng 2019 Le Tour de Filipinas tampok ang mga malalakas at bigating cyclists galing sa 15 continental teams.
Kasama sa koponan ni Yaowarat sina fellow national cyclists Sett Yordsuwan at J. Janluang kung saan lalabanan nila ang Pinoy at ibang riders galing sa ibang mga bansa na bumubuo sa Southeast Asia.
“We compete in this cycling competition precisely to know and familiarize the real condition of the route,” sabi ni Yaowarat, 20, ng Chiang Mai kung saan nilaro ang SEA Games noong 1995.
Maliban sa aalamin ang ruta, makikilala at masusukat ng Thais ang lakas ng mga Pinoy na kakatawan sa SEAG ayon sa kanila, malakas at paboritong manalo dahil lahat ng advantages ay nasa kanila bilang host cyclists.
Kasama sa mga kalahok sa cycling, maliban sa Thailand, ay Malaysia, Indonesia,Vietnam, Singapore at Myanmar.
“We compete in this cycling competition to harness our skills and broaden our experience range against tough riders from Europe and Asia in preparation for the SEA Games,” wika ni Yaowarat. Nanalo ang Thailand ng dalawang ginto, 7 pilak at 5 tanso ng nakaraang SEA Games sa Malaysia noong 2017.





Comments